Naalala niyo pa ba ang pamilya ni Gary Fernandez? Siya ang ama ng mga quintuplets na pinanganak noon sa Jose Memorial Medical Center Hospital. Kasalukuyang salat sa pinansyal na pangangailangan ang pamilya niya noon nang iluwal ng kanyang asawa ang kanilang mga anak.
Matatandaang nagbigay ng halagang P20, 000 ang mag-asawang sina Senador Mar Roxas, na tumatakbo ngayong bise presidente, at batikang broadcaster na si Korina Sanchez matapos magpahayag ng simpatiya sa pamilya Fernandez ang dalawa. Naging laman naman ng mga balita sa bawat diyaryo at telebisyon ang sinasabing mabuting gawi ng mag-asawang Mar-Korina.
Malaki naman ang pasasalamat ng pamilya Fernandez kina Mar at Korina. Subalit matapos silang magbigay ng P20, 000, gatas at mga damit, natapos na din doon ang sinasabing suporta at pagtulong ng bilyonaryong si Roxas sa nangangailangang pamilya. Dahil doon, namatay ang dalawa sa limang quintuplets dahil sa kakulangan sa pera.
Sa kabilang banda, nabuhay naman ang tatlo pang sanggol na sina Sarah, Erika and Wenna Mavinia ngunit kritikal sa Manila Hospital lalo pa’t ang dalawa ay nakitaan ng mga sintomas ng sakit na hernia. Nangangailangan pa ang mga sanggol ng maigting na medikal na atensyon.
Sa pagkamatay ng kanilang dalawang anak, nagpahayag ng pagkadismaya si Gary Fernandez kay Senador Roxas na nangakong tutulungan at susuportahan ang kanyang mga anak. Matapos ang ilang media conference, picture takings at pagbabalita sa maraming pahayagan ng kanilang pagtulong, wala na umanong sumunod pa sa ipinangakong “financial support and medical assistance” ng senador sa quintuplets.
Sina Korina Ysabel at Marie Loralaine Fernandez, na ipinangalan pa sa mag-asawang Mar at Korina, ang dalawang sanggol na namatay kasabay ng pagkamatay ng suporta at tulong ni Roxas.
Maari sanang buhay pa ang dalawang sanggol kung hindi lang napako ang mga pangako ni Senador Mar Roxas sa kanyang pamilya, dagdag pa ni Fernandez.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
nakupo! kay korina pa na hindi makatao.. plantsadora ng mukha! nagpapatsinelas nga sya sa mga kabataan, pero asan pa ang knyang malasakit sa kapwa?? at wala naman talaga sya plano mgkaanak kay mar eh..hnggan pa beauty lng ang lola mo!
ReplyDeletegrabe, ginagamit talga nila ung mga nangangailangan para lang malinis ung pangalan nila at para lang maipakita sa tao na mababait sila at concern, pero ang totoo--gingamit lang nila ung mga mahihirap para lang sila naman ang yumaman!! yayaman sa kasikatan para manalo. mukang desperado manalo, nagpapaasa pa ng mga tao!!!! naku talga.
ReplyDelete"hindi pa nakakaupo c mar roxas,,sira n xa sa mga tao..ginagamit lng nya mga taong mhihirap para manalo,,,sna s drating n halalan maging matalino yau sa pagpili ng mga ibonoto.."
ReplyDeleteNa obserbahan ko nga na ginamit lang nila for publicity yung mga batang iyon. Kapag talgang tumutulong ka sa kapawa mo, hindi mo kailangan na ipakita o i-show off sa lahat na tumutulong ka o may ginawa ka. Ang mahirap sa ting mga Pinoy, kung ano yung nakikita naten sa t.v, pinapaniwalaan naten agad.
ReplyDeleteHindi tama na gamiting nila yung pamilyang nangangailangan para lang gumanda ung pangalan nila. Nakutuban ko na na fishy ung pagtulong nila e. Kasi sobrand daming press releases nung single act na yun.
Hindi naman dating humanitarian ang mag-asawang korina at mar, kaya nakakapagtaka na biglang may tutulungan nalang sila at talgang tinutok ang camera sa kanila...
Sana hindi naten gingamit ang ibang tao, ang mga mahihirap, o yung mga nangagailangan na tinutulangan naten..ang nangyari dito parang hiningi nilang kapalit sa kunwaring tinulungan nila e yung pagsikat nila sa publiko...hindi tama iyon.
sana nag isip si mar at korina bago sila nanloko at nagpaasa ng mga taong nagtitiwala sa kanila...
nakakalungkot.
They are really desperate for exposure that they even use innocent and incapable people. Its obviously a show. Korina and Mar have been a really showbiz couple.
ReplyDelete